Friday, November 18, 2011

Inside me (11-13-11)

Back ground music http://www.youtube.com/watch?v=t28C2hAqhJ8&feature=related
sa mga masugid kong mangbabasa check out muna ang background music :) then basa ulit.

Lumipas na naman ang araw na ito, hindi ako masaya ay hindi din ako malungkot, yung tipong sakto lang. kahit na gusto kong maging masaya ngauun araw na ito, parang may kulang kasi, kulang as in, may nawawala.

Nagkulong ako sa isang lugar, inisip ko kung ano ba talaga yung nawawalang iyon, at naisip ko, hindi naman siya nawawala, natatakot lang siya

Natatakot ngaun ang puso ko, hindi ko alam kung bakit, cguro marahil ayaw nyang magkamali, or natatakot magkamali, sapagkat nagkamali na siya noon at ayaw na niyang maulit muli yung mga pagkakamali niya. Naalala kasi niya kung anong gulo ang pinasok niya dati.

Mahirap talaga, kapag apektado yung puso mo, kahit na gusto ng puso mo kung ayaw naman ng isip mo. wala rin...

Mahirap kasi kapag may isang tao kang minamahal tapos, na sanay ka nang sabihin lahat sa kanya ang nilalaman nito, yung tipong lahat ng nararamdaman mo sinasabi mo sa taong mahal mo,pero yung taong mahal mo, haaaaaaayyy..
basta mahirap kasi feeling ko pagtinago ko tong nararamdaman ko, hindi ako nagpapaka'totoo. gusto ko kasi sabihin sa kanya, gusto ko sabihin lahat ng naiisip ko at nararamdaman ko. gaya ng dati, kaya lang simula nung araw na iyon nag'iba na ang lahat.

Alam ko sa puso at isip ko, gusto ko siya. kahit na ilang bese niya akong tinulak palayo, kahit na sa tigin ko wala talagang pag-asa, kahit na madaming kalaban.
I will never give up! I will win her heart! I know it's too much to say this words, but it is the feeling inside me!.



"Minsan naiisip ko, sabi mo kasi "umiiyak ka" gusto ko malaman ang mga dahilan kung bat ka umiiyak, at itong si puso gusto ka tulungan ngunit hindi mo naman sinasabi ang dahilan kung bakit ka umiiyak, basta tandaan mo lang pagmalungkot at may mga problema, pumikit ka lang, at lagi mong tandaan may pusong handang tumulong sayo."

I'm not giving up!

No comments:

Post a Comment